Nagsisilbing kabisera ng lalawigan ng Bohol sa Pilipinas ang Tagbilaran [1], na may halos 100,000 katao sa loob nito. Bilang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Bohol, ito ang sentrong panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya ng lalawigan.
Kilala ang Tagbilaran bilang "City of Friendship" (tulad ng Cagayan de Oro), at ito ang isa sa mga most liveable cities sa buong bansa, na kinilala ng Asian Development Bank noong 2005 at 2007.