Ang Maynila (Opisyal:Lungsod ng Maynila) ang kabisera ng Pilipinas at ang sentro ng pamamahala, edukasyon, relihiyon at pananalapi. Ang mga simbahan, magkakaiba at kumplikadong kultura, kasaysayang kolonyal, mga naglalakihang sentro komersyal (mall), mga matataong pamilihan, mga nakatagong arkitekturang mala-brilyante at makulay na nightlife ay ilan sa mga bagay-bagay na dapat matuklasan sa pagbisita sa Maynila. Gamitin ang pagkakataong matuklas ang Maynila at magsagawa ng sariling personal na ugnayan sa lungsod.
Mga distrito
editNahahati sa 16 na distritong teritoryal ang Maynila kung saan ang lahat ay dating mga bayan (town) maliban sa Port Area District. Binibigyang-buhay ang bawat distrito sa pamamagitan ng kasaysayan, kalinangan at pagluluto.
Ang walong distrito ng Lungsod ng Maynila (hindi dapat malito sa Kalakhang Maynila) sa hilaga ng Ilog Pasig ay:
- Tondo — Isa sa mga pinaka-pinaninirhang lugar sa bansa at tahanan sa ilang mga paaralang Tsino sa Maynila. Kilala rin bilang isa sa mga pinakamagagandang mapagkakainan dahil sa mga masasagana nitong kainan at restorang Tsino.
- Binondo — Tinagurian bilang pinakamatandang Chinatown sa mundo, kilala ito sa tanyag na lutuing nagmula pa sa Tsina at Hong Kong. Ang simbahan isang kamangha-manghang kahaluan ng estilong Baroko (Baroque)ng Espanyol at Tsino, gaya ng ipinapakita sa kampanaryong pagoda.
- San Nicolas
- Santa Mesa
- Port Area
- Pandacan
- Santa Ana
- San Andres Bukid