Si Ernesto Guevara de la Serna (Hunyo 14, 1928 – Oktubre 9, 1967), mas kilala sa ngalan nga Che Guevara ukon el Che, isa ka manog bulong nga natawo sa Argentina, rebolusyonaryo Marksista, pulitiko, kag pinuno sang moviemento gerilya sa Cuba.
Bilang isang kabataang nag-aaral ng medisina, mahirap na nilakbay ni Guevara ang buong Latino Amerika, na dahilan upang maharap niya ang katotohanang ng kahirapang nararanasan sa bawat bayan na kanyang madaanan. Sa mga karanasan niyang ito, napaniwala ang sarili na rebolusyon lamang ang tanging paraan upang lunasan ang hindi pagkakapantay-pantay ng ekonomiya ng rehiyon, na nagdala sa kanya ng pag-aaral ng Marksismo at naging kasangkot sa rebolusyong lipunan ng Guatemala sa ilalim ni Pangulong Jacobo Arbenz Guzmán.
Sa kalaunan, naging kasapi si Guevara sa Kilusang ika-26 ng Hulyo (26th of July Movement) ni Fidel Castro na inagaw ang kapangyarihan sa Cuba noong 1959. Pagkatapos magsilbi sa iba't ibang mahahalagang posisyon ng bagong pamahalaan at nagsulat ng mga aklat tungkol sa teoriya at pagsasanay ng pakikibakang gerilya, umalis si Guevara sa Cuba noong 1965 kasama ang hangaring pag-initin muna ang mga rebolusyon sa Congo-Kinshasa (pinangalan sa kalaunan bilang Democratic Republic of the Congo) at sa Bolivia, kung saan nadakip siya ng mga organisadong operasyong militar ng CIA. Namatay si Guevara sa kamay ng Sandatahang Lakas ng Bolivia sa La Higuera malapit sa Vallegrande noong Oktubre 9, 1967. Ang mga lumahok at mga saksi sa huling mga oras ni Guevera ang nagpatunay na kabuuang binitay (summary execution) siya ng mga bumihag sa kanya, marahil upang maiwasan ang pampublikong paglilitis pagkatapos ng pagkakulong sa Bolivia.
Pagkatapos ng kanyang kamatayan, naging simbolo si Guevara ng mga kilusang rebolusyong sosyalismo sa buong daigdig. Nagkamit ng malawak na pamamahagi at pagbabago ang isang litrato ni Guevara (kaliwa) na kuha ni Alberto Korda. Tinawag ng Pamulaan ng Sining sa Maryland (Maryland Institute of Art) ang larawan bilang "ang pinakatanyag na litrato sa buong mundo at isang simbolo ng ika-20 siglo."