Wn/tl/Yahoo!, magbibigay ng walang-hanggan na espasyo para sa pag-imbak ng elektronikong liham
Mayo 28, 2007
Simula ng Mayo, magbibigay na ang Yahoo!, ang pinakamalaking manlalaan ng serbisyong pang-elektronikong liham (e-mail), ng walang-hanggang espasyo para sa pagtitinggal para sa pag-imbak sa lahat ng manggagamit ng serbisyong ito. Sinasabi ng Yahoo! na dapat iniisip ng tao ang elektronikong liham bilang isang kagamitan kung saan inaarkibo nila ang kanilang buhay.
Pinahayag ang pangyayaring ito sa Yodel Anecdotal, ang opisyal na blog ng Yahoo!.
Ayon kay John Kremer, ang pangalawang pangulo ng Yahoo! Mail, ang transisyon sa walang-hanggang espasyo para sa pagtitinggal ay magtatagal ng isang buwan.
Ang Yahoo! Mail ay nagsimula bilang RocketMail noong dekada '90. Naging Yahoo! Mail ito noong 1997 at ito ay may apat na megabyte ng espasyo para sa pagtitinggal. Naging isang daang megabyte ito noong 2004, at isang gigabyte noong 2005.
Mga sanggunian
edit- Yahoo! Mail goes to infinity and beyond, Yodel Anecdotal, Marso 27, 2007
- Yahoo to offer unlimited e-mail storage, Reuters, Marso 28, 2007