Wn/tl/Tratado sa karapatang katutubo, pinagtibayan

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Tratado sa karapatang katutubo, pinagtibayan

Setyembre 13, 2007

Pinagtibayan ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa ang isang tratado tungkol sa karapatan ng mga katutubong tao pagkatapos ng 22 taon na pagdedebate sa isyu, kahit kung ito ay kinontra ng Australia, Canada, Estados Unidos at New Zealand. Ang tratado ay nagbibigay-sanggalang para sa mga karapatan ng mga katutubong tao at para sa proteksyon ng kanilang mga lupain at ari-arian.

Ang tratado ay pumasa sa kapulungan sa resultang 143-4-11. Kahit man may malalaking populasyong katutubo ang Australia, Canada, Estados Unidos at New Zealand, kumontra pa rin sila dahil ayon sa kanila, hindi ito magkasundo sa kanilang mga batas. Ayon sa pananaw ng Australia, nagbibigay-prayoridad ang tratado sa batas kaugalian ng mga katutubo kaysa sa mga pambansang batas ng Australia. Sa Canada, binatikos naman ng isang pinuno ng grupong kumakatawan sa mga katutubong pamayanan nito.

Ayon sa mga Nagkakaisang Bansa, may 370 milyong katutubong tao sa buong mundo. Kasama dito ang mga Innu ng Canada, mga Bushmen ng Botswana at mga Aborigines ng Australia.

Mga sanggunian

edit