Nobyembre 21, 2007
Sa isang salikop ng Lansangang-bayan ni Emilio Aguinaldo, malapit sa nayon ng Via Verde, sa Baranggay San Agustin II, Dasmariñas, Kabite, bumunggo ang isang malaking trak na mayroong sampung gulong sa isang panghati ng daan sa nasabing lansangang-bayan bandang 5:30.
Ang trak ay bumunggo sa isang panghati ng daan malapit sa isang salikop noong sinubukan ng tsuper nitong lumiko nang pabalik. Ngunit sa pagsubok na itong, nagkamali ang tsuper ng trak at imbis na makaliko ay nabunggo nito ang isang panghati ng daan. Ngunit sinisisi ng marami ang tsuper ng trak sa nangyari bagamat umuulan noong araw na iyon.
Dahil sa sakunang ito, dinulot nito ang malubhang pagbagal ng trapiko sa nasabing lansangang-bayan, at maliit na abala sa mga manggagawa, mag-aaral at manlalakbay mula at papunta sa mga bayan ng Imus, Dasmariñas at Silang. Pinuna kahit mismo ng Punong Gurong Nerissa San Juan Calimag ng Rogationist College, isang paaralang pinapatakbo ng mga Rogasyonistang pari sa Lalaan II, Silang, Kabite, isa hanggang dalawang kilometro sa Olivarez, ang hangganan ng Silang at Tagaytay, na mayroong ilang mga guro at mag-aaral na mahuhuli sa klase dahil nga sa pagkakabunggo ng trak sa panghati ng daan.
Nagtagal ang abala ng mga kalahating oras mula nang mangyari ito, at nagtapos nang makarating ang pulisya upang pamahalaan ang sakuna.