Wn/tl/Tanodbayan, binasura ang apela ni Napoles, 3 senador, sa kaso ng ''pork''

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Tanodbayan, binasura ang apela ni Napoles, 3 senador, sa kaso ng ''pork''

5 Hunyo, 2014

Ibinasura ni Tanodbayan (Ombudsman) Conchita Carpio Morales ang motion for reconsideration na inihain ng utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kasama na ang tatlong senador na si Juan Ponce Enrile, Ramon "Bong" Revilla Jr. at Jinggoy Estrada, na sila ding humaharap sa kaso ng pandarambong.

"The Office is set to file with the Sandiganbayan the criminal Informations for Plunder and violations of Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act," (Ang tanggapan ay magsasampa kasama ng Sandiganbayan ng mga impormasyong kriminal para sa pandarambong at paglabag sa Seksyon 3(e) ng Batas Laban sa mga Gawaing Pangungwalta at Korupsiyon), ayon sa pahayag ng Tanggapan ng Ombudsman na nilabas noong Huwebes.

Noong 1 Abril, isinakdal ng Ombudsman si Napoles at ang tatlong senador kasama na ang iba pang mga sinasabing kasangkot sa mga maanomalyang transaksiyon na nagdala ng bilyong piso mula sa Priority Development Assistance Fund (Prayoridad na Pondo sa Pagtulong sa Pag-unlad, PDAF) ng mga mababatas tungo sa mga multong proyekto.

Naghain ang mga nasasangkot ng motion for reconsideration, ngunit ayon sa pinagsanib na kautusan na inilabas noong Miyerkules, nalaman ng Tanodbayan na ang apela ng mga nasasangkot ay "nagdadala ng letra-por-letrang paulit-ulit na mga isyu at angking tinaas" ng mga respondante sa kani-kanilang mga counter-affidavit.

Ayon din sa inilabas na pahayag, ang nasabing kapasiyahan ay hindi base sa hinala, kundi sa mga sari-saring dokumento kasama ang mga ulat ng PDAF at Komisyon ng Audit, mga sinumpaang salaysay at mga rekord ng kumpanya at kabilang na dito ang mga patotoo ng mga saksi at mga patunay.

Bagaman pinagtibay ng Tanodbayan ang mga kaso ng pandarambong at pangunguwalta kontra sa dosenang ibang mga personalidad, bahagyang pinagkaloob ng Ombudsman ang apela ng dalawang mga respondante.

Sa kaso ni Enrile, sinakdal ng Tanodbayan ang respondanteng si Consuelo Lilian Espiritu sa isang kaso ng pangunguwalta sa halip na dalawa, matapos mapatunayan na "hindi siya nagproseso o naglagda ng anumang mga disbursement voucher na sinasabuwatan ng Sentro ng Kayamanang Panteknolohiya (Technology Resource Center), isang ahensiya kung saan nakakonekta si Espiritu".

Sa kaso naman ni Revilla, pinagkaloob ng Tanodbayan ang mosyon ng respondanteng si Romulo Relevo laban sa apat na bilang ng pangunguwalta matapos mapatunayan ng Tanodbayan na "hindi siya nakibahagi sa anumang mga nasasaklaw na transaksyon sa kasong ito".

Sa kaso naman ni Estrada, isinakdal si Revelo sa isang bilang ng pangunguwalta sa halip na apat. Ito ay matapos "mapatuayan na hindi siya nagproseso o lumagda sa apat na mga disbursement voucher na sinasabuwatan ng NABCOR, isang ahensiya kung saan konektado si Revelo.

Noong 7 Abril, naghain si Revilla ng motion for reconsideration sa Tanodbayan, na sinasabing wala diumanong mga ebidensiya para suportahan ang mga sinampang kaso laban sa kaniya. Sa kapareho ding araw, naghain si Estrada ng kaniyang apela, na nagsasabing "nagkamali ng husto" ang Tanodbayan sa pagbibigay ng konklusyon ukol sa diumano niyang manifest partiality sa mga pundasyong konektado kay Napoles bilang tagatanggap ng kaniyang alokasyon mula sa pondo ng pork barrel.

Samantala, sinabi ni Enrile sa kaniyang counter-affidavit na inihain sa Tanodbayan noong 20 Disyembre, na wala diumanong sapat na ebidensiya na magpapatunay na nakatanggap siya ng kickback mula sa nasabing scam. Dagdag pa niya, ang mga dokumentong mga nagdadawit sa kaniya ay diumanong mga gawa-gawa lamang ng mga whistleblower, at ang ibang mga ebidensiyang mga dokumento ay diumano'y "winasak".

Sanggunian

edit