Mayo 10, 2007
Dineklara ng Kagawaran ng Pananalapi (DOF) na nalugi ang subasta sa pribitisasyon ng Paliparan ng Mandurriao, ang lumang paliparan ng lungsod ng Iloilo. Sabi ng DOF na ang limang inaprubadong kompanya sa pagsusubasta ng lupa ay nag-sumite ng mga alok na hindi humigit sa pinakamababang alok ng 1.2 bilyong piso.
Ayon kay Ron Tumao ng SM, medyo masyadong mataas ang hinihingi ng pamahalaan para sa lupain. Ang nag-sumite ng pinakamataas na alok ay ang Robinson's Land sa halagang 1.09 bilyong piso. Ang Empire East Land ay nag-sumite ng alok sa halagang 701 milyong piso, at ang SM Prime Holdings ay nag-sumite ng alok sa halagang 435.79 milyong piso. Hindi pumunta sa subasta ang Ayala Land at Rockwell Land.
Sabi ng DOF na kahit kung nalugi ang subasta, nagpakita ang subasta na may interes sa lupain ng lumang paliparan.