Ipinahayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago na magbibitiw siya sa tungkulin bilang hukom ng Pandaigdigang Hukumang Kriminal (International Criminal Court, ICC) dahil sa kaniyang kalusugan.
Sa kaniyang liham na ipinadala sa pangulo ng ICC na si Song San-Hyun, na may kopyang ginawa din at ipinamigay sa midya, binanggit ni Santiago ang kanyang chronic fatigue syndome bilang dahilan ng kaniyang paglisan sa tungkulin.
"Sang-ayon sa aking pangako, aking kinukumpirma na dapat magpatuloy ang hukuman sa batayan na ako ay bababa na sa tungkulin bilang hinalal na hukom," ("Pursuant to my commitment, I hereby confirm that the court should proceed on the basis that I am stepping down as elected judge,") banggit ni Santiago sa kaniyang liham sa ICC.
Dagdag niya na simula noong naihalal siya noong Disyembre 2011, hindi siya nabigyan ng pagpapabawa o kagamutan mula sa mga manggagamot para sa kaniyang karamdanan.
Nahalal si Santiago noong 2011 sa ICC, isang independyenteng kagawarang nakabase sa Holandes na siyang nang-uusig sa mga indibidwal ukol sa kanilang mga krimen laban sa sangkatauhan at krimeng pandigma.
Mga Sanggunian
edit- Miriam steps down as ICC judge. GMA News. Sinulat ni Andreo Calonzo. Pinaskil 3 Hunyo 2014. Kinunan 3 Hunyo 2014.