Wn/tl/Sabuwatang pagbobomba ng Abu Sayyaf sa Palawan, ibinunyag

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Sabuwatang pagbobomba ng Abu Sayyaf sa Palawan, ibinunyag

Setyembre 10, 2007

Ayon sa ilang mga alagad ng batas sa Palawan, ibinunyag nila ang isang sabuwatan ng Abu Sayyaf na bumomba sa ilang mga lokasyon sa Lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan sa ika-anim na pagdiriwang ng paglusob noong Setyembre 11, 2001 sa Estados Unidos. Nalaman nila ang sabuwatan pagkatapos silang humuli at nagtanong sa tatlong kasabwat sa pagbobomba.

Hinuli ng pulis sa Puerto Princesa ang tatlong operatiba ng Abu Sayyaf na sina Muadz Jala, alyas Abu Moadz, si Abdulla Abduraman at si Omar Jakarain, alyas Abu Moguerra, sa Puerto Princesa noong Sabado at Linggo. Si Moguerra ay kinikilalang kanang-kamay ni Dulmatin, isa sa mga manbobomba ng Jemaah Islamiyah. May pirmihang mandamiyento laban kay Moguerra dahil sa pagbibihag ng ilang mga turista, karamihang dayuhan, sa pahingahang Dos Palmas sa Palawan noong 2001.

Ayon sa testimonya ng mga operatiba, ibinunyag nila na apat na gawang-bahay na bomba ang ginawa ng ilang mga manggagawa ng bomba ng Abu Sayyaf. Isa sa mga bomba ay nahanap sa isang ligtas na kanlungan sa Barangay Bagong Silang, Puerto Princesa noong umaga ng Linggo. Ang natitirang tatlong bomba ay hindi pa nahahanap.

Mga sanggunian

edit