Wn/tl/Presyo ng tubig, bababa sa Kalakhang Maynila

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Presyo ng tubig, bababa sa Kalakhang Maynila

Marso 28, 2007

Mapa ng mga sona kung saan naglalaan ng serbisyong pantubig ang Maynilad Water (pula) at Manila Water (asul)

Bababa ang presyo ng tubig para sa mga residente ng Kalakhang Maynila kahit na tataas pa ang paggamit ng tubig sa darating na mga linggo dahil sa panahon ng tag-init.

Inutos ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water Company, Inc. at ang Maynilad Water Services, Inc. para ibaba ang kanilang presyo ng tubig simula Abril hanggang Hunyo dahil sa malakas na palitan ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Eduardo Santos, hepe ng MWSS sa pagpapatupad ng mga presyo sa tubig, kailangan ibaba ng dalawang kumpanya ang kanilang singil ng pagkakalapat ng antas ng pagkakaiba ng dayuhang salapi (foreign currency differential adjustment o FCDA) ng labing-anim na sentimos sa bawat metro kuwadrado dahil na rin sa tuloy-tuloy na pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar. Ang FCDA ay bahagi ng singil sa bayad sa tubig bawat buwan.

Ayon pa rin sa MWSS, bababa ang presyo ng tubig para sa mga residente ng Kalakhang Maynila sa kanlurang sona simula sa unang araw ng Abril at sa ika-limang araw ng Abril naman para sa mga tagabili ng Maynilad na nasa silangang sona.

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapangulo ng MWSS na si Oscar Garcia na ang mga miyembro ng kanilang lupon ng mga tagapamahala ay sumang-ayon sa pagbaba ng FCDA dahil ayon sa kanila dapat bigyan ng pagkakataon ang mga tagabili sa mga ibang serbisyo sa pang araw-araw.

Sinabi ng tagapangasiwa ng MWSS na si Lorenzo Jamora na ang mga residente ng Kalakhang Maynila ay dapat bigyan ng pinakamagandang kalidad ng tubig sa abot kaya ng halaga.

Mga sanggunian

edit