Setyembre 10, 2007
Dahil sa maraming kontrobersiyang pumipikot sa 329 milyong dolyar na panukalang lambat-lambat na broadband (broadband network) ng pamahalaan, sumang-ayon ang pamahalaan ng Pilipinas at Tsina sa pagrerepaso ng panukalang itong napanalunan ng ZTE Corporation noong Abril. Tinawagan ang pagrerepaso sa gitna ng paninindigang panunuhol at labis na pagtaas ng halaga nito.
Ang pagrerepaso, na dineklara sa isang pagtitipon ng mga pinuno ng mga bansang kasapi ng Pagtutulungang Pang-Ekonomika ng Asya-Pasipiko (APEC), ay naging paksa ng isang miting sa pagitan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa pagtitipon sa Australia. Gayunpaman, ang paksa ng miting ay tungkol sa proyektong lambat-lambat na broadband at hindi tungkol sa ZTE. Siniguro ni Arroyo kay Hu na uusapin niya ang isyu na ito kasama ng kanyang Gabinete.
Habang pinag-uusapan pa ang kontrobersyal na panukala, iminungkahi ni Arroyo na sabay na mag-trabaho sina Peter Favila, ang Kalihim ng Kalakalan at Industriya, at Bo Xila, ang Kalihim ng Pangangalakal ng Tsina, upang resolbahin ang problemang pumipikot sa panukala.
Iimbestigahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng Senado ang panukala. Maraming taong sangkot sa kontrobersyal na panukala, kasama na sina Benjamin Abalos, Sr., ang tagapangulo ng Komisyon sa Halalan, Romulo Neri, ang dating Kalihim ng Kabuhayan at Pagpapaunlad, at si Jose de Venecia III, isang anak ni Ispiker Jose de Venecia, Jr.