Marso 25, 2007
Dineklara ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 7841 na magbibigay sila ng pabuya sa mga guro at iba pang mga sibil na tagapaglingkod na nagpakita ng katapatan at iba pang bukod-tanging aksyon sa halalan sa ika-14 ng Mayo.
Sabi ng resolusyon na ang lahat ng opisyal ng COMELEC na hindi nasa antas ng Ikatlong Direktor pataas ay kuwalipikado upang makakuha ng gawad. Pero, ang mga opisyal na nasa antas ng Ikatlong Direktor pataas na ay tagapangulo o miyembro ng isang lupon ng mangingipon ng boto ay kuwalipikado rin.
Ang mga opisyal na ginagawad ay makakakuha ng plake at isang gawad-pera na may halaga ng labinlima hanggang animnapu't libong piso.
Ayon kay Benjamin Abalos, ang tagapangulo ng COMELEC, inisipian daw niyang mag-bigay ng mga nakakapagbubuyo pagkatapos sinuhol ng tatlong beses ang isang babaeng opisyal mula sa Iloilo na nagtatrabaho sa isang bayan sa Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao. Hindi niya tinanggap ang suhol sa lahat ng beses.
Mga sanggunian
edit- Resolusyon Blg. 7837, Komisyon sa Halalan, nakuha Marso 25, 2007
- Comelec offers cash for honest poll service, Philippine Daily Inquirer, Marso 25, 2007