Wn/tl/PNP, inilabas na ang opisyal na ulat sa pagsabog sa Glorietta 2

< Wn‎ | tl
Wn > tl > PNP, inilabas na ang opisyal na ulat sa pagsabog sa Glorietta 2

Enero 10, 2008

Noong Oktubre 19, 2007, isang malakas na pagsabog ang naganap sa Glorietta 2. Noong una, kahit ang pulisya mismo, ay nagsasabing ito ay isang pambobombang dulot ng mga terorista ngunit ngayon inalis na ng pulisya nang tuluyan ang anggulong ito.[1][2] Ngayong Enero 10, inilabas na ng Multi-Agency Investigation Task Force, ang itinalagang magsiyasat sa pagsabog, ang kanilang pangwakas na opisyal na ulat ukol sa pagsabog sa Glorietta 2. Sa ulat na ito, tinuturo ng pulisya ang pagsasawalambahala ng ilang (mga) partido.[3]

Maraming nagsasabi na ang ulat na ito ay hindi totoo, at pumapanig para sa pamahalaang Arroyo kaya hindi itinuturo ng pulisya ang pagsabog sa mga terorista. Kung ginawa nila ito ay ipapakita lamang nito na mahina ang kaligtasan na ipinapaabot ng pulisya at pamahalaan.

Bagaman dito mariin pa ring iginigiit ng Ayala Land Inc., ang kompanyang may-ari ng Glorietta 2, na ang pagsabog ay dulot ng isang bomba. At sa panig na ito, marami ring nagsasabi na kaya lamang ito iginigiit ng Ayala ay dahil kundi nila ito gagawin ay sila ang sasakdalin at ituturo sa pagsabog ng Glorietta 2.

At dahil nga sa ulat, nagsakdal ng 15 tao, kasama roon ang ilang manggagawa ng Glorietta 2, Ayala at Makati Supermarket, ang nangungupahan sa Glorietta 2, ang pulisya.[4]

Opisyal na ulat

edit

Ang opisyal na ulat ay inilabas ng Multi-Agency Investigation Task Force, isang kagawaran ng pulisyang binubuo ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Lunduyang Pandatos ng Bomba ng Pilipinas, Tanggapan ng Pagliligtas laban sa Sunog, Kagawaran ng Katarungan, Pambansang Tanggapan ng Pagsisiyasat at Hating Pampasabog at Pangkautusan ng pulisya ng Makati.

Pag-aalis ng anggulong pambobomba

edit

Ayon kay Punong Tagapamanihalang Luizo Ticman ng PNP, hindi bomba ang sumabog sa sumusunod na mga dahilan:

  1. Walang namataang ano mang bahagi ng bomba sa silong ng gusali o sa kapaligiran nito.
  2. Walang hukay ng bomba; bagaman mayroon ilang natagpuang hukay na hindi mapapatunayang ginawa ng bomba ang natagpuan.
  3. Walang kasangkapang pambomba ang natagpuan sa silong at maging sa mga balat at pananamit ng mga nasabugan.
  4. Hindi nagsimula ang pagsabog mula sa RDX, isang sangkap ng C-4, na unang nakita sa silong ng gusali.
  5. Walang uling na namataan sa kisami ng silong ng gusali.

At ayon naman sa pulisya, kahit dalawang dram pa ng RDX ang mamataan sa silong ay hindi ito sapat na maging sanhi ng pagsabog. Ang RDX daw, kung mag-iisa, ay hindi isang bomba. Hindi rin daw sumasabog ang RDX kundi umaapoy, kaya hindi ito ang pinagmulan ng pagsabog.

Sanhi

edit

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, dalawang pagsabog ang naganap sa araw na iyon. Ang unang pagsabog daw ay dulot ng metano noong 13:31 ng araw ng pagsabog. Naipon daw ang metano nang hindi bantayan nang 76 araw ang silong na nakaipon ng abot-tuhod na tubig, disel at dumi mula sa tao at kusina, at ang pagpapahangin nito. Ang sumunod naman daw na pagsabog ay mula sa singaw ng disel na naganap ilang minuto matapos ang unang pagsabog.

Bagaman itinuturo ng pulisya ang pagsabog ng metano at singaw ng disel bilang sanhi ng pagsabog, walang nakitang alin mang pampasiklab sa silong, ang kailangan upang sumabog ang metano at disel, ang mga naunang nagsiyasat, ngunit, ayon sa pulisya, natukoy na ng NBI ang pampasiklab na nagsimula ng pagsabog; ito raw ang pamahala ng una at ikatlong bomba ng tubig. Ang ikalawang pagsabog naman daw ay dulot ng pag-init na dinulot ng unang pagsabog.

Pag-aalis ng mga opisyal ng ALI sa mga sasakdalin

edit

Sa kanilang kaunahang burador ng opisyal na ulat, kasama sina Jaime Ayala, pangulo ng Ayala Land, Inc., Emilio Tumbocon, pangulo ng Ayala Property Management Corporation, at Peter Ng, panulo ng Makati Supermarket Corp., sa mga sasakdalin ngunit sa mismong opisyal na ulat ay inalis na ang kanilang mga pangalan. Hindi raw isasama ang mga opisyal ng Ayala sa mga sasakdalin dahil wala naman daw na patunay sa ngayong magsasabi na sila ang may-sala.

Pagsasakdal

edit

Sasakdalan ang mga sumusunod ng walang pakundangang pagsasawalambahalang nagdulot ng maramihang pagkamatay-tao, pagkapinsala sa katawan at pagkasira ng pag-aari.

Ayala Property Management Corporation
  1. Arnel Gonzales
  2. Jowell Velvez
  3. Marcelo Botenes
Makati Supermarket Corp.
  1. Candelario Valdueza
Marchem Industrial Sales and Service Inc.
  1. Clifford Arriola
  2. Joselito Buenaventura
  3. Charlie Nepomuceno
  4. Jonathan Ibuna
  5. Juan Ricafort

Ang mga sumusunod naman ay sasakdalan ng paglabag sa Utos Panunog.

Metalline Enterprises
  1. Ricardo Cruz
  2. Miguel Velasco

Ang mga sumusunod naman ay sasakdalan ng malawakang pagtatangging nagdulot ng pagkapinsala sa katawan.

Pamatay-Sunog ng Makati
  1. Anthony Grey
  2. Leonilo Balais
  3. Reynaldo Enoc

Si Jose Embang Jr. naman ng Pamatay-Sunog ng Makati ay sasakdalan ng kasong pampamamahala.

Talasanggunian

edit