Mayo 10, 2007
Dineklara ng Hamas na tatanggalin nila ang programang pantelebisyong pambata na may isang karakter na kamukha ni Mickey Mouse dahil sa mga pahayag na nagsasabi na dapat lumaban ang mga bata laban sa Israel at para sa dominasyon ng Islam sa daigdig.
Ayon sa ministro ng impormasyon ng Palestina na si Mustafa Barghouti, inirerepaso na ang programa na itinanggal mula sa Al-Aqsa TV sa hiling ng kanyang ministri. Isang "maling paglapit" daw ang kontento ng programa sa laban ng Hamas at ng mga Palestino laban sa pagsasakop ng Israel.
Ang karakter na si "Farfour", na ibig sabihin ay "paru-paro" sa Arabo at kamukha ni Mickey Mouse, ay nagsesermon laban sa Estados Unidos at Israel bawat Biyernes sa programang "Tomorrow's Pioneers" ("Mga Kinabukasang Manggagawa").
Maraming bata ay tumatawag sa programa at kumakanta ng mga awitang Hamas tungkol sa paglaban ng Israel. Laban ang Palestinian Broadcasting Corporation sa programa. Ang PBC ay kontrolado ng Fatah, ang pangkat ng pamahalaan ng Palestine na laban sa Hamas na ang pinuno ay si Mahmoud Abbas, ang pangulo ng Palestine.
Mga sanggunian
edit- Militant 'Mickey Mouse' pulled off air, Associated Press, Mayo 9, 2007