Wn/tl/Militanteng Grupong ISIL, kumontrol sa isang-katlo ng Iraq; Obama nagbabala ng pag-atake

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Militanteng Grupong ISIL, kumontrol sa isang-katlo ng Iraq; Obama nagbabala ng pag-atake

14 Hunyo, 2014

Noong nakalipas na mga araw, nasakop at nasakontrol ng mga militanteng grupo na nagngangalang Estadong Isamiko ng Iraq at Levant (Islamic State of Iraq and Levant, ISIL), ang karamihan sa mga malalaking mga lungsod sa bansang Iraq.

Ang layunin ng ISIL ay makapagtatag ng isang estadong Islamiko na sumasakop sa Iraq at Syria. Sa ngayon, halos isang-katlo na ng bansa ang kanila nang naisasakamay.

Noong Miyerkules, nasakop ng militanteng grupo ang lungsod ng Tikrit, na matatagpuan sa 140 km hilagang-kanluran ng Baghdad, noong lumikas ang sundalo ng pamahalaan.

Nagbabala ang Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama na aaksyon sila laban sa ISIL, na sinasabing konektado o nagkaroon ng inspirasyon mula sa grupong Al-Qaida. Ang Al-Qaida ang grupo na naghasik ng terorismo noong Setyembre 11 na siyang nagpabagsak sa mga tore ng World Trade Center sa New York at puminsala sa Pentagon sa Virginia, at kumitil ng humigit 3,000 katao.

Ayon kay Obama, hindi niya inaalis ang posibilidad na paggamit ng airstrike o atake mula sa himpapawid. Ayon sa tagapagsalita ng White House na si Jay Carnay, hindi umano sila magpapadala ng hukbong panlupa sa Iraq.

Kung bakasakaling matuloy ito, ito ang magiging unang pakikialam na militar na gagawin ng Amerika simula noong lumisan sila sa bansa noong 2011.

Sanggunian

edit