Wn/tl/Mga taga-Mauritania, boboto ngayon sa unang halalan na maghahalal ng unang nitong hinalal na lider

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Mga taga-Mauritania, boboto ngayon sa unang halalan na maghahalal ng unang nitong hinalal na lider

Marso 25, 2007

Pupunta ngayon sa mga botohan ang taong-bayan ng Mauritania sa run-off election na magdedesisyon kung sino sa dalawang kandidato ay magiging kanilang unang hinalal na pangulo sa kasaysayan ng bansang niyon.

Ang dalawang kalahok sa halalan ay dalawang dating kalaban ng diktador na si Maaouya Ould Sid'Ahmed Taya, na tinalsikan ng militar sa isang kudeta noong 2005. Sila ay si Sidi Ould Cheikh Abdallahi, 69, isang dating kalihim ng gabinete, at si Ahmed Ould Daddah, 65, matagal nang isang lider ng oposisyon sa pamahalaan ni Taya.

Sa unang botohan ng halalan noong ika-11 ng Marso, nakakuha si Abdallahi ng 25% ng boto, habang nakakuha si Daddah ng 21%. Ang mga ibang kandidatong natalo ay sumusuporta na kay Abdallahi o kay Daddah. Suportado kay Abdallahi ang 18 grupong politikal na dating kakampi ni Taya, habang suportado kay Daddah ang ibang miyembro ng oposisyon.

Mga sanggunian

edit