Marso 25, 2007
Nagdeklarang hindi papayag ang ilang mga sultan ng Kasultanan ng Sulu sa kandidatura ni Sultan Jamalul Kiram III bilang Senador. Sinasabi nila na ang isang sultan, bilang isang suberanong lider, ay hindi dapat sumusuko sa ibang pamahalaan.
Ayon kay Datu Rajamuda Ladjamura Bantilan Wasik, isang bagong nagsasakdal sa Kasultanan ng Sulu, tumatanggi daw ang ilan sa mga sultan ng Kasultanan, kasama si Wasik, sa kandidatura ni Kiram dahil pinaglilingkuran na ni Kiram ang pamahalaan ng Pilipinas at, ayon sa kanya, ay binitiwan na niya ang kanyang trono at posisyon bilang Sultan.
Mga sanggunian
edit- Sulu sultans reject Kiram's candidacy, GMA News, Marso 25, 2007