Wn/tl/Mga pamantasan sa Amerika, nagpabawal sa paggamit ng Wikipedia bilang primaryang pinagkukunan
Marso 25, 2007
Ilan sa mga pamantasan sa Estados Unidos ay nagpatibay ng patakarang nagpapabawal sa paggamit ng Wikipedia, ang malayang ensiklopedya, bilang isang primaryang pinagkukunan ng mga salaysay dahil sa bandalismo nito.
Ayon kay Neil Walters, isang propesor ng kasaysayan sa Middlebury College, ang bandalismo sa Wikipedia ay dating nagamit bilang pinagkukunan sa ilang mga salaysay.
Ang kagawaran ni Walters ay umampon ng patakaran na nagbabawal sa paggamit ng Wikipedia bilang primaryang pinagkukunan, pero maaari pa rin itong gamitin para sa naunang impormasyon. Ang ganitong uri ng patakaran ay inampon rin ng ilang mga ibang pamantasan, tulad ng Pamantasan ng Pennsylvania at UCLA.
Mga sanggunian
editAng artikulong ito ay isang salin mula sa bersyong Ingles ng artikulong ito. Maaari niyong bisitahin ang bersyong Ingles ng artikulo para sa karagdagang sanggunian.
- Several US universities ban Wikipedia as primary source, Wikinews, Marso 22, 2007