Wn/tl/Mga gobernador, sang-ayon sa pagpapaliban ng halalan

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Mga gobernador, sang-ayon sa pagpapaliban ng halalan

Setyembre 8, 2007

Sang-ayon ang karamihan sa mga gobernador sa pagpapaliban ng halalan para sa mga barangay at Sangguniang Kabataan na gaganapin sa Oktubre 29. Maraming dahilan ang ibinigay sa pagtitipon ng isang miting ng Liga ng mga Lalawigan sa Pilipinas, mula sa pagtigil sa pamumulitika hanggang sa kamahalan nito.

Ayon sa isang pagsisiyasat na ginanap sa miting ng Liga ng mga Lalawigan sa Lungsod ng Bacolod, marami ay pabor sa pagpapaliban ng halalan at paglipat nito sa Mayo 2008, hindi sa Mayo 2009 na ipinahiwatig ng Komite sa Halalan at Repormang Elektoral ng Kapulungan ng mga Kinatawan.

Ayon kay Joseph Marañon, ang gobernador ng Negros Occidental, kahit kung gaganapin ang halalan sa 2008, baka ito ay gaganapin sa Oktubre dahil wala nang oras upang palitan ang itinakdang talatakdaan. Hindi rin mabuti sa pananalapi ang pagganap ng dalawang halalan: ayon sa Sangguniang Panlalawigan ng Leyte, dalawang bilyong piso ang kailangan nilang gastusin para sa dalawang halalan.

Mga sanggunian

edit