Wn/tl/Mga Militante sa Iraq at Syria, balak umatake sa Britanya, ayon kay PM Cameron

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Mga Militante sa Iraq at Syria, balak umatake sa Britanya, ayon kay PM Cameron

18 Hunyo, 2014

Nagbabala ang Punong Ministro ng Britanya na si David Cameron na ang mga militanteng grupo na nakikipagbakbakan sa Syria at Iraq ay nagbabalak ding umatake sa Britanya.

"I'd disagree with those people who think this is nothing to do with us and if they want to have some sort of extreme Islamist regime in the middle of Iraq that won't affect us – it will," (Hindi ako sumasang-ayon sa mga tao na iniisip na wala itong kinalaman sa atin at kung nais nila na magkaroon ng kahalintulad na rehimeng extremistang Islamiko sa gitna ng Iraq na hindi makakaapekto sa atin -- mangyayari ito), sabi ni Cameron sa House of Commons.

Dagdag pa niya, ang mga kasapi ng rehimeng iyon na siya ding sumasakop ng teritoryo ay balak ding atakihin ang Reino Unido.

Nagsalita siya bago pamunuan ang pagpupulong ng Pambansang Konseho ng Seguridad (NSC) patungkol sa opensibang militar sa Iraq, kung saan unti-unti nang sinasakop ng mga militanteng kasapi ng Estadong Islamiko ng Iraq at Syria (ISIS) ang mga teritoryo nito.

Sa pagpupulong ng mga mamamahayag na ginanap noong Martes, Hunyo 17, matapos ang pakikiapgpulong sa Punong Ministro ng Tsina na si Li Kequiang, ipinahayag ni Cameron na ang ISIS sa Syria at sa Iraq ang mayroon nang pinakamatinding banta ng seguridad sa Britanya sa kasalukuyan.

Ang kinababahala ng pamahalaan ng Britanya ay ang mga mamamayang Briton na lumalaban sa mga pook na iyon ay maaaring bumalik sa kanilang tinubuang bayan upang ito ay atakihin. Sinabi na rin ni Cameron noong Miyerkules na nakatutok ang seguridad, intelihensiya at kapulisan ng Britanya sa Gitnang Silangan.

Dagdag pa niya, pinigilan na daw nila diumano ang ilang tao na makapaglakbay, tulad ng pagkumpiska sa kanilang mga pasaporte. Hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye.

Pinaniniwalaang 400 mga Briton ang tumungo sa Syria upang makipaglaban doon, at dalawampu na ang namamatay sa dalawang taong giyera sibil na nagaganap sa bansang iyon.

Sanggunian

edit