Wn/tl/Mag-asawang McCann, suspek na sa pagkawala ng anak

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Mag-asawang McCann, suspek na sa pagkawala ng anak

Setyembre 8, 2007

Pormal na ipinangalan ng pulis sa Portugal sina Gerry at Kate McCann, ang mga magulang ng nawawalang tatlong taong gulang na si Madeleine McCann, bilang mga suspek sa kaso ng kanyang pagkawala noong nakaraang Mayo. Binatay ito sa sinasabing paghanap ng dugo ni Madeleine sa isang sasakyang inirenta ng kanyang pamilya 25 araw pagkatapos siyang mawala.

Ayon sa isang kapatid ni Gerry McCann na si Philomela, na interbiyuhan ng ITN sa Britanya, sinubukan daw ng pulis doon na pag-aminan si Kate na pinatay niya si Madeleine sa pamamagitan ng pag-alok ng isang hatol ng dalawang taon o mas mababa sa bilangguan bilang kapalit sa isang may-salang panananggalang.

Palabiro daw ang bintang na may kinalalaman o kasangkot daw si Kate McCann sa pagkawala ng kanilang anak, ayon kay G. McCann sa isang blog. "We will fight this all the way, and we will not stop looking for Madeleine," ("Lalabanan namin ito nang buo, at hindi kami titigil sa paghanap kay Madeleine,") wika niya.

Mga sanggunian edit