Wn/tl/MIAA, papalawakin ang mga terminal ng NAIA

< Wn‎ | tl
Wn > tl > MIAA, papalawakin ang mga terminal ng NAIA

Marso 29, 2007

Dahil sa tuloy na pagsarado ng ikatlong terminal ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA), papalawakin na ang dalawang kasalulukuyang gusaling terminal ng paliparan para may kakayahan itong suportahan ang nakikitang pagtaas ng trapiko sa paliparan ngayong taon, ayon sa Pangasiwaan ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila (MIAA).

Ayon kay Alfonso Cusi, ang manadyer ng MIAA, ang trabaho sa pagpapalawak ng Una at Ikalawang Terminal ng NAIA ay magsisimula sa susunod na buwan dahil sa tuloy na pagsarado ng Ikatlong Terminal ng NAIA.

"Ang karamihan ng mga pasahero sa kakayahan ng mga pandaigdigang terminal ay 8.5 milyon kada taon, pero tumatama na tayo ng 9.5 milyon at tinitingnan namin ang isang tuloy na pagtaas ng mga turista. Kaya gumagawa kami ng trabahong administratibo habang tayo ay nasa sitwasyon na ito," ("The volume of passengers at capacity in the international terminals is 8.5 million per year, we are already hitting 9.5 million and we are projecting a continuous increase of tourists. So we are doing administrative work while we are embroiled in this situation,") sabi ni Cusi.

Matatapos ang trabaho sa Disyembre, isang panahon kung saan maraming turista ay dumarating sa Pilipinas.

Sinasagawa ng MIAA ang pagpalawak ng mga terminal dahil hindi pa maaaring buksan ang Ikatlong Terminal dahil sa maraming depekto nito, ayon sa isang pagsasaliksik na isinagawa ng TCGI Engineers at ng Ove Arup & Partners HK, na kinontrata ng Malakanyang upang tingnan ang kalagayan ng terminal.

Mga sanggunian

edit