Wn/tl/Junjun Binay, Dinakip Ng Senado

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Junjun Binay, Dinakip Ng Senado

29 Enero, 2015

Dinakip ang alkalde ng Makati na si Jejomar Erwin "Junjun" Binay dahil sa salang pagdusta bunga ng kaniyang paulit-ulit na pagtutol sa kaniyang pagdalo sa pandinig sa Senado ukol sa Gusali 2 ng Makati City Hall na labis ang pagkakahalaga.

Mula sa Makati City Hall ay dinala si Binay sa Senado. Sinamahan siya ng mga opisyal ng Tagapamayapa (Sergeant-at-arms) na dumadakip sa kaniya bilang pagsunod sa utos ng Senado.

Maliban kay Binay, pinadadakip din sa salang pagdusta sina Eleno Mendoza na Tagapamahala ng Lungsod, Eduviges "Ebeng" Baloloy, Marjorie de Veyra na dating Tagpamahala ng Lungsod, Inhenyero Line dela Peña at Bernadette Portallano.

Dumalo lamang si Binay sa unang pagdinig ng komite ngunit lumiban siya sa mga sumunod pang pagdinig.

Nahaharap sa kasong pandarambong si Binay at ang kaniyang amang si Bise-Pangulong Jejomar Binay, dahil sa labis diumanong halaga ng Gusali 2 ng Makati City Hall.

Sinasabi ding nakakatanggap ng mga kickback ang Pangalawang Pangulo at sinasabi ding nagmamay-ari ng 350-ektaryang ari-arian sa Rosario, Batangas at sa Tagaytay Highlands, atbp.

Ayon kay Binay, ginagawa daw ang lahat ng mga ito laban sa kaniya upang maiwaksi ang kaniyang pagkakataong manalo sa pagkapangulo sa halalan sa 2016.

Tumatanggi din siyang dumalo sa pandinig sa Senado, ngunit hindi siya kinasuhan ng pagdusta dahil sa kaniyang pagiging ikalawang pangulo ng bansa.

Sa sesyon ng plenaryo noong Huwebes ng gabi, kasamang dumalo ang mga opisyal at mga kasapi ng Kapatirang Iskawt ng Pilipinas.

Talasanggunian

edit
  • [www.gmanetwork.com/news/story/419552/news/nation/junjun-binay-arrives-at-senate-after-arrest Junjun Binay arrives at Senate after arrest]. Legaspi, Amita. GMA News. 29 Enero 2015