Wn/tl/Joselito Cayetano, dineklara ng COMELEC bilang kandidatong panggulo

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Joselito Cayetano, dineklara ng COMELEC bilang kandidatong panggulo

Marso 28, 2007

Dineklara ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) na si Joselito "Peter" Cayetano, isa sa mga kandidato ng Kilusang Bagong Lipunan sa pagka-Senador at magkasingpangalan ni Alan Peter Cayetano ng Genuine Opposition, ay isang kandidatong panggulo kahapon.

Pinagtitwiranan ng COMELEC ang kakayahan ni Cayetano na sumampa ng pambansang kampanya para sa kanyang pagka-Senador. Sabi ni Romeo Brawner, ang may-akda ng desisyon ng COMELEC: "Talagang hindi siya kilala pero tumatakbo pa siya para sa isang mataas na posisyon. Paano siya makakasampa ng isang pambansang kampanya?" ("He’s virtually unknown and yet he’s running for a lofty position. How can he wage a national campaign?")

Sinabi rin ni Brawner na ang kandidatura ni Cayetano ay depende sa kanyang nominasyon mula sa KBL. Pero, ayon kay Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., hindi daw opisyal na miyembro ng KBL si Cayetano at siya ay itinakwil ng partido, kasama na rin ang lahat ng opisyal na kandidato ng KBL, kasama ang abogado na si Oliver Lozano.

Nalaman ng COMELEC na si Cayetano ay isang kawani sa isang negosyong naglalaan ng serbisyo ng mga kargador, hindi isang inhinyerong pandagat ayon sa kanyang sertipiko ng kandidatura, at kumikita siya ng sampung libong piso kada buwan.

Pinagsalamatan ni Alan Peter Cayetano ang desisyon ng COMELEC. Pero, pinagbibintangan niya ang Unang Ginoo na si Jose Miguel "Mike" Arroyo sa kandidatura ni Joselito Cayetano. Ayon sa kanya, gusto ng Unang Ginoo na malito ang mga botante para hindi mahalal siya, baka dahil sa kanyang akusasyon na may nakatagong kuwentang pambangko sa Alemanya.

Maaari pang mag-apela ng desisyon si Joselito Cayetano sa loob ng limang araw sa COMELEC, o maaari niyang pataasin ang kaso sa lahat ng miyembro ng COMELEC na nakaupo ng sabay-sabay. Pero, nasa opisyal na tala ng mga kandidato pa rin si Cayetano hanggang nag-desisyon ang COMELEC na tanggalin siya sa tala.

Mga sanggunian

edit