Wn/tl/Itlog ng bihirang kuwago, napisa sa Bacolod

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Itlog ng bihirang kuwago, napisa sa Bacolod

Ipinagmamalaki ng Negros Forests and Ecological Foundation Biodiversity Conservation Center (NFEFI-BCC) sa Lungsod ng Bacolod na nakapagpisa sila ng isang bibihirang uri ng kuwago mula sa kanilang pasilidad sa ikatlong pagkakataon.

Inanunsyo noong Linggo (Nob 18, 2007) na napisa ang isang itlog ng Philippine eagle owl (Bubo philippensis) noong Oktubre 28 matapos ilagay sa incubator nang 35 araw. Mula ang itlog sa magpares na Mahinhin at Hinahon, ang tanging nakakapagsiping sa kanilang uri sa buong mundo. Nasa Bacolod ang dalawa bilang bahagi ng isang programang hiraman, sa pakikipagtulungan ng Avilon Montalban Zoological Park at Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) Wildlife Rescue Center at sa suporta mula sa Flora and Fauna International at World Owl Trust.

Tanging sa Pilipinas matatagpuan ang Philippine Eagle Owl, lalo na sa Luzon, Mindanao, Samar, Leyte, at Bohol. Mabilis silang nauubos bunga ng pagkasira ng kanilang mga tahanan sanhi ng pagkalbo ng kagubatan.

Tinatanggap ng NFEFI-BCC ang anumang suporta mula sa mga mamamayanan para sa pagpapaalaga ng bagong sisiw.

Sanggunian

edit