Wn/tl/Isang bilyong piso para sa paglaban ng kagutuman

< Wn | tl
Wn > tl > Isang bilyong piso para sa paglaban ng kagutuman

Marso 25, 2007

Inutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Biyernes ang pagkatakda ng isang bilyong piso para sa paglaban ng kagutuman pagkatapos nagkaroon ang Social Weather Stations (SWS) ng pagsisiyasat na nagsasabi nang isa sa limang pamilyang Pilipino ay nagugutom ng isang beses sa pinakamaliit sa loob ng tatlong buwan. Nangyari ito pagkatapos tinipon ng Pangulo ang Sangguniang Pambansa sa Nutrisyon.

Gagamitin ang pondo para labanin ang kagutuman sa maralitang lugar ng Kalakhang Maynila at iba pang mga lalawigang may mataas na pagkabalatong ng kagutuman. Ang pondo ay gagamitin sa benepisyo ng mga lugar na kinilala ng Social Weather Stations na may mataas na pagkabalatong nito.

Ang programang makakabenepisyo sa isang bilyong pisong pondo ay ang programang pagkain para mag-aral (food-for-school) at pagkain para mag-trabaho (food-for-work) ng pamahalaan, at ng iba't-ibang programang pampakain ng mga organisasyong relihiyoso at 'di-pampamahalaan.

Pero bago tinakda ng Pangulo ang pondo, pinagtwiranan niya ang resulta ng pagsisiyasat ng SWS. Ayon kay Cerge Remorde, ang kalihim ng Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala, isang tawagan na ang problemang ito dahil sa magandang kalagayan ng ekonomiya. Sabi rin ni Remorde na nakikita ng Pangulo ang halaga ng ekonomiya kapag may maraming nagugutom na tao, at pinagsabihan ng Pangulo ang ilang mga miyembro ng Gabinete na tumutuloy pa ring magtwiranan sa resulta ng pagsisiyasat.

Mga sanggunian

edit