Setyembre 10, 2007
Sakop sa pagsang-ayon ng Kagawaran ng Transportasyon ng Estados Unidos, balak magsisimula ang Hawaiian Airlines, ang pinakamalaking kompanyang himpapawid sa estado ng Hawaii, ng serbisyo patungong Maynila sa Marso 2008. Ito ay ang unang paglawak ng serbisyo ng kompanyang himpapawid pagkatapos itong lumabas ng pagsanggalang sa pagkabangkarota noong 2005.
Balak magsisimula ng serbisyo ang Hawaiian Airlines patungong Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) sa pamamagitan ng Boeing 767-300ER na eroplanong may kakayahang magpasakay ng 264 pasahero. Apat na beses o mahigit pa ang balak simulain ng Hawaiian Airlines sa serbisyong ito patungong Honolulu.
Ayon kay Gobernador Linda Lingle, tataas ang mga oportunidad sa kultura, negosyo at edukasyon sa estado ng Hawaii. Malalapitan rin ang mga pamayanang Hawayano at Pilipino.
Ang Maynila ay magiging unang patutunguhan ng Hawaiian Airlines sa buong Asya.
Mga sanggunian
edit- Hawaiian Airlines planong lumipad sa Maynila simula Marso 2008, GMA News and Public Affairs, Agosto 28, 2007
- Hawaiian Airlines To Launch Manila Flights, pahayag ng Hawaiian Airlines, Agosto 27, 2007