Setyembre 8, 2007
Inihayag ng Sandiganbayan na ang hatol ni dating Pangulo Joseph Estrada sa kasong pandarambong noong kanyang pagka-Pangulo ay lalabas sa Setyembre 12. Ayon sa utos na inilabas ng espesyal na pangkat ng hukuman, sisimula ang pagbasa ng hatol ni Erap sa loob ng Sandiganbayan sa ika-9 ng umaga.
Ang espesyal na pangkat ng hukuman na namamahala sa kaso ni Erap, na pinupunuhan ni Namumunong Hukom Teresita Leonardo de Castro, ay nag-utos sa hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) na si Oscar Calderon at Pangunahing Tagapamahalang si Romeo Hilomen na dalhin si Erap sa Sandiganbayan upang mabasa ang kanyang hatol. Anim na taong nagtagal ang paglilitis ni Erap sa Sandiganbayan noon siya'y itinalsik sa pagka-Pangulo noong EDSA II.
Dahil maaaring maging mapanganib ang lugar sa paligid ng Sandiganbayan, itinaas ang seguridad sa lugar. Masasarado ang buong bahagi ng Abenida Komonwelt (Commonwealth Avenue) na sa paligid ng Sandiganbayan at magdagdag ang PNP ng mas maraming pulis sa lugar. Pinagbawalan rin ang ilang mga kagamitang midya, tulad ng mga kagamitang pang-komunikasyon at mga kamera, sa loob ng Sandiganbayan.
Mga sanggunian
edit- Estrada verdict out Sept. 12 -- Sandiganbayan, Philippine Daily Inquirer, Setyembre 7, 2007