Hunyo 28, 2007
Naging Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian o Britanya noong Miyerkules si Gordon Brown, ang dating Ministro ng Pananalapi o Chancellor of the Exchequer sa pamahalaan ni Tony Blair, pagkatapos bumitiw sa posisyon si Blair upang maging espesyal na sugo ng Quartet sa mga ugnayang Gitnang Silangan.
Bumitiw si Blair sa posisyon pagkatapos ibinigay na kay Reyna Elizabeta II ang kanyang pagkabitiw noong mas maaga na panahon sa Miyerkules. Sampung taong naging Ministro ng Pananalapi si Brown sa pamahalaan ni Blair.
Kinumpirma si Brown bilang pinuno ng Partido ng Manggagawa ng Britanya noong Hunyo 24. Tumakbo siya bilang pinuno nang walang kalaban sa posisyon.
Bumitiw rin si Blair sa kanyang pwesto sa kanyang kapisanan ng nagsisiboto (constituency) sa Sedgefield upang maging sugo ng Quartet, na binubuo ng Britanya, ng Estados Unidos, ang Unyong Europeo at Rusya, upang makabuo ng isang mapayapang solusyon sa krisis na nangyayari sa Gitnang Silangan.
Mga sanggunian
edit- Gordon Brown becomes Prime Minister of the United Kingdom, Wikinews, Hunyo 27, 2007