Oktubre 19, 2007
Binomba ang Glorietta 2, isang pamilihan sa pangkalakalang purok ng Makati, bandang 13:30 ng araw na iyon. Nagsimula ang pagsabog sa Luk Yuen, isang kainang Tsino sa loob ng pamilihan. Ramdam ang malaking pagsabog nito sa hanggang tatlong palapag ng gusali. Nagpabagsak din ng mga kisame at pader, at nagsanhi ng maliit na perwisiyo sa mga sasakyan sa labas ng gusali. Ayon sa pulisya, 86 hanggang 129 naman ang sugatan at 11 katao ang namatay, ngunit itinaas din ang bilang na ito sa labing-isa dahil sa pagkamatay ng tatlong taong sinugod sa ospital pagkatapos ng pagsabog. Ito rin ang parehong pamilihan na binomba noong taong 2000.
“ | Ito nga ay isang bomba. Ngunit hindi kami makakapagsabi ng kahit ano pang dagdag doon dahil nag-iimbestiga pa rin kami. -- PNP Direktor Heneral Avelino Razon | ” |
Nilinaw na rin ng PNP Direktor Heneral Avelino Razon na ang pagsabog na ito ay sanhi ng mga bomba C-4, salungat sa mga unang pag-aakala na ito ay dahil sa isang pagsabog ng LPG. Pinapaniwalaan din ng pulisya na isang teroristang grupo ang may gawa nito ngunit wala pa ring maibigay na eksaktong pangalan ng grupong terorista ang pulisya kahit may mga natagpuang bakas ng C-4 sa binomba gusali. Wala pa ring grupo ang nag-aakong may sanhi sa mga nangyari.
Ayon sa isang pahayagan, upang magsanhi ng ganoong kalaking pagsabog, ang dami ng ginamit na C-4 doon ay hindi kakaunti sa 80 bareta (1.25 libra isa) o 100 libra ng C-4. At imposible rin na LPG ang may gawa ng pangyayari dahil sa lakas ng pagsabog. Dahil dito, meron ding lumabas na teorya na ang militar ang may sanhi sa pagsabog dahil sa bagay na ang militar lang ay may karapatang magmay-ari ng mga bombang C-4 at mayroong kakayahang makakuha ng ganoong karaming C-4. Sinasabi rin na hindi ito gawa ng Jemaah Islamiyah dahil ang ginagamit ng Jemaah Islamiyah sa kanilang pambobomba ay mga TNT at pulbura.
Ilang buwan na ang nakakaraan, ipinaalam ng isang impormante sa pulisya na may planong magtanim ng mga bomba sa Makati at Ortigas ngunit walang nakitang bomba noong panahong iyon at inaalam pa rin kung konektado ang pangyayaring ito sa pagpapaalam na iyon.