Setyembre 10, 2007
Nagsang-ayon sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at George W. Bush ng Estados Unidos sa pagpapatibay ng mga hangganan ng Pilipinas bilang isang hakbang sa pagpapaunlad ng seguridad at kalakalan sa katimogang Pilipinas. Nagsang-ayong sina Arroyo at Bush sa pagtitipon ng mga pinuno ng mga bansang Asyano-Pasipiko sa Sydney, Australia.
Sumang-ayon rin sina Arroyo at Bush sa pagpabuti ng kooperasyong pampaglalayag sa mga karagatan sa Mindanao. Inalaala rin ni Arroyo kay Bush ang kanyang hiling para sa pagtaas ng tulong militar, lalo na tungkol sa kusang Coast Watch South. Sa ilalim ng kusa, tutulong ang Estados Unidos sa pagpabuti ng kakayahan ng Pilipinas na magbantay sa mga hangganan nito, lalo na sa Mindanao. Kasama rin dito ang pagkuha ng mga bagong barko at mga sistemang pambantay at komunikasyon.
Kasama rin sa miting nina Arroyo at Bush ang isyu ng kasunduang malayang-kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at sa pagbilis ng mga negosasyon nito upang mapatupad ang kasunduan.