Wn/tl/Erap, may-sala

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Erap, may-sala

Setyembre 13, 2007

Hinatulan ng Sandiganbayan na may-sala si dating Pangulong Joseph Estrada sa krimeng pandarambong ngunit pinawalang-sala siya sa krimeng panunumpa nang walang katotohanan. Pinawalang-sala rin ang kanyang mga kasangkot sa kanyang kaso, na naging dahilan sa paninindigan ni Estrada na ang espesyal na pangkat ng Sandiganbayan na nagrinig ng kanyang kaso ay para lang siyang hatulin.

Ang kaso, na ang opisyal na pangalan ay Taong-bayang Pilipino laban kay Joseph Estrada, atbp. (Ingles: People of the Philippines vs. Joseph Estrada, et. al.), ay nagtagal ng anim na taon, apat na buwan at 17 araw, ayon sa bilang na inilabas ni Estrada ang araw bago ng kanyang paghatol. Naging kontrobersyal ang kaso dahil ayon sa mga taga-suring pampulitika, ang hatol sa kaso ni Erap ay magiging batayan sa pagkamatuwid ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ng Sandiganbayan na maaaring manatili sa kanyang bahay sa Tanay, Rizal si Estrada hanggang may iba pang utos ang hukuman.

Aapelahin daw ng mga abogado ni Erap ang kanyang hatol, hanggang umabot pa ang kanyang kaso sa Kataas-taasang Hukuman.

Mga sanggunian

edit