Wn/tl/Danton Remoto, tatakbo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Lungsod Quezon

< Wn‎ | tl
Wn > tl > Danton Remoto, tatakbo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Lungsod Quezon

Marso 28, 2007

Dineklara ni Danton Remoto, ang hepe ng Ang Ladlad, na siya ay tatakbo bilang malayang kandidato para sa ikatlong distrito ng Lungsod Quezon. Pero, hindi daw abandonado ng kumpleto ang kanyang pagka-Senador, at inaapela pa ang kanyang kawalan ng kaya sa pagka-Senador sa Kataas-taasang Hukuman sa susunod na linggo.

Ayon sa kanya, ang ikatlong distrito ay ang ikalawang pinakamaliit na distrito ng apat na distritong lehislatibo ng Lungsod Quezon. Ang kanyang malalabanan sa halalan ay sina Matias Defensor, ang kasalukuyang kinatawan, and Konsehal Franz Pumaren.

Sa ngayon, kahit kung hindi kinikilala ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) ang Ang Ladlad bilang grupong party-list, nagpahintulot ang Ang Ladlad sa kandidatura ni Nikki Coseteng pagkatapos sumang-ayon siya sa isang alyansa kasama ng grupo ni Remoto.

Mga sanggunian edit