Marso 24, 2007
Ayon sa Resolusyon Blg. 7837 ng Komisyon sa Halalan na inaprubahan noong ika-13 ng Marso, hahatiin na ang Lungsod ng Cagayan de Oro sa dalawang distritong lehislatibo simula ng halalan ng 2007.
Sabi ng resolusyon na ang lungsod ay hahatian ayon sa susunod na dibisyon:
- Ang unang distritong lehislatibo ay bumubuo ng Barangay Bonbon, Bayabay, Kauswagan, Carmen, Patag, Bulua, Iponan, Baikingon, San Simon, Pagatpat, Canitoan, Balulang, Lumbia, Pagalungan, Tagpangi, Taglimao, Tuburan, Pigsag-an,Tumpagon, Bayanga, Mambuaya, Dansulihora, Tignapoloan, at Bisigan
- Ang ikalawang distritong lehislatibo ay bumubuo ng Barangay Macabalan, Puntod, Consolacion, Camama-an, Nazareth, Macasandig, Indahag, Lapasan, Gusa, Cugman, FS Catanico, Tablon, Agusan, Puerto, Bugo at Balubal, at lahat ng mga urbanong barangay mula Barangay 1 hanggang Barangay 40
Tataas na rin ang bilang ng mga konsehal na bumubuo ng Sangguniang Panlungsod. Mula walo, ito ay tataas sa labing-anim, o walo kada distritong lehislatibo.
Mga sanggunian
edit- Resolusyon Blg. 7837, Komisyon sa Halalan, nakuha Marso 24, 2007