Wn/tl/Bin Laden sa mga Amerikano: "Mag-Islam na"

< Wn | tl
Wn > tl > Bin Laden sa mga Amerikano: "Mag-Islam na"

Setyembre 8, 2007

Hiniling ni Osama bin Laden sa kanyang unang bidyo sa loob ng tatlong taon na magbago ng relihiyon ang mga Amerikano patungong Islam kung nais nilang tapusin ang kasalukuyang digmaan sa Iraq. Ipinabahagi ang bidyo ilang araw bago ng ika-anim na anibersaryo ng paglusob noong Setyembre 11, 2001.

Ilan sa mga opisyales ng pamahalaan ng Estados Unidos ay nagsabi na nakuha ng pamahalaan ang bidyo bago pa ito ipinabahagi ng al-Qaida. Pinasuri rin ang bidyo para mapatunayan na si bin Laden ay nasa bidyo at naghanap rin sila ng anumang makikita nila tungkol sa kalusugan niya. Ang bidyo, na may kahabaan ng 30 minuto, ay nakuha ng Suriang SITE (SITE Institute), isang grupong naka-base sa Washington D.C. na nagsusuri ng mga mensaheng teroristiko.

Nag-komento si Pangulong George W. Bush sa bidyo, isang gawang 'di-kilala mula sa kanya. "It's important that we show resolve and determination to protect ourselves, deny al-Qaida safe haven and support young democracies," ("Importante na magpakita tayo ng resolba at determinasyon upang maprotektahan natin ang ating mga sarili, pagbawalan ang al-Qaida ng ligtas na kanlungan at suportahan ang mga baguhang demokrasya") sabi niya. Sinabi niya ang kanyang mga komento tungkol sa bidyo sa isang pagtitipon ng mga bansang Asyano-Pasipiko sa Sydney, Australia.

Mga sanggunian

edit