Setyembre 8, 2007
Inaprubahan at magbibigay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng amnestiya sa mga rebeldeng Komunista sakop sa pagsang-ayon ng Kongreso. Ayon sa Pangulo, ang pagbibigay-amnestiya sa mga rebeldeng Komunista ay "mahalaga sa pag-abot ng kapayapaan at pagkakasundo".
Inilagda ni Arroyo ang Proklamasyon Blg. 1377 na nagbibigay ng amnestiya sa lahat ng mga kasapi ng Partidong Komunista ng Pilipinas, ang Bagong Hukbong Bayan at ang Pambansang Pronterang Demokratiko (CPP-NPA-NDF), lalo na ang mga inanalanta dahil sa mga krimeng pulitikal.
Ayon kay Jesus Dureza, ang tagapayo ng Pangulo sa kapayapaan, maaaring kumuha ang tagapangulong nagtatag ng CPP, si Jose Maria Sison, ngunit dumududa siya kung posible ito. Naninirahan si Sison sa Netherlands mula 1987, at kararaang siya ay inaresto doon sa krimeng sadyang pagpatay dahil inutos daw niya ang pagpatay kay Romulo Kintanar at Arturo Tabara, dalawang dating pinuno ng CPP, noong 2003 at 2004.