Setyembre 13, 2007
Bumitiw na sa kanyang puwesto si Shinzo Abe, ang Punong Ministro ng Hapon, na nasa sentro ng pagkatalo ng kanyang partidong pampulitika sa mataas na kapulungan ng Parlamento at sa pagbitiw ng kanyang mga kasapi ng kanyang Gabinete. Noong nakaraang mga araw, binanta niyang bumitiw kapag hindi nakapasa ang pahintulot sa mga barkong Hapones na tumulong sa koalisyon ng mga bansang lumalaban sa al-Qaida at Taliban sa Afghanistan.
"I have decided that it is time to take a new approach -- time for a new face," ("Nagdesisyon na ako na panahon nang magbago ng paglapit -- panahon para sa isang bagong mukha,") wika niya. "And perhaps this is something that needs to be done under a new prime minister." ("At siguro ito ay isang bagay na kailangang gawin sa ilalim ng bagong punong ministro.")
Maghahanap na ang Partidong Liberal Demokratiko, ang namumunong partidong pampulitika sa Hapon noong katapusan pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ng bagong kapalit kay Abe. Si Taro Aso, ang kalihim-heneral ng partido, ay ang paboritong pumalit kay Abe.
Naging ma-iskandalo na ang administrasyon ni Abe. Tinawagan ng kanyang ministro ng kalusugan ang mga babae bilang mga "makinang gumagawa ng sanggol", at bumitiw ang kanyang ministro ng tanggulan dahil sinabi niyang may batayan sa paghulog nga mga bombang atomiko sa Hiroshima at Nagasaki noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mga sanggunian
edit- Search begins for Abe replacement, CNN, Setyembre 12, 2007