Wn/tl/6-4-2 sa GO ayon sa SWS, pero 6-5-1 sa TU ayon sa INC

< Wn‎ | tl
Wn > tl > 6-4-2 sa GO ayon sa SWS, pero 6-5-1 sa TU ayon sa INC

Mayo 10, 2007

Sa kasalukuyang pagsisiyasat ng Social Weather Stations (SWS) dalawang linggo bago ng eleksyon sa Mayo 14, limang kandidato mula sa Genuine Opposition (GO) at isang malayang kandidato ay bahagi ng pinakamataas na anim na pwesto sa "Magic 12" ng Senado.

Ayon sa pagsisiyasat, ang nakakuha ng pinakamataas na pwesto ay si Loren Legarda, na nakakuha ng 59 porsiyento sa pagsisiyasat na iyon. Sumusunod kay Legarda sina Manny Villar, na nakakuha ng 46 porsiyento, at Francis Escudero, na nakakuha ng 44 porsiyento. Sina Legarda, Villar at Escudero ay miyembro ng GO.

Ang malayang kandidato na si Francis "Kiko" Pangilinan ay nakakuha ng ika-apat na pwesto sa pagsisiyasat sa pagkuha niya ng 42 porsiyento sa pagsisiyasat. Sina Panfilo Lacson (39 porsiyento) at Benigno "Noynoy" Aquino III (37 porsiyento).

Dalawang kandidato ng TEAM Unity (TU) ay nakapasok sa pinakamataas na sampung pwesto sa "Magic 12": sina Ralph Recto (36 porsiyento) at Juan Miguel Zubiri, na magkapareho sa porsiyento kay Gregorio Honasan, isang malayang kandidato. Si Alan Peter Cayetano ng GO ay nakakuha ng 35 porsiyento. Sina Edgardo Angara (32 porsiyento), Joker Arroyo (31 porsiyento) at Vicente Sotto III (28 porsiyento) ay lumalaban para sa huling dalawang pwesto.

Pero, ayon sa isang pinagmulan ng Iglesia ni Cristo (INC), boboto daw sila ng anim na kandidato mula sa TEAM Unity. Iniindorso ng Iglesia ni Cristo ang lahat ng kandidato sa pagsisiyasat, pero wala sina Honasan at Cayetano sa tala ng aprubadong kandidato ng INC.

Mga sanggunian

edit