Marso 24, 2007
Inaprubahan ng Komisyon sa Halalan ang kandidatura ng 37 kandidato para sa 12 upuan ng Senado na bahagi ng halalan ng 2007.
Pasok sa opisyal na talaan ng COMELEC ang mga sumusunod na kandidato, ayon kay Benjamin Abalos, ang tagapangulo ng COMELEC:
- Lahat ng kandidato ng TEAM Unity
- Lahat ng kandidato ng Genuine Opposition, kasama sina Manuel Villar at Antonio Trillanes IV
- Mga sumusunod na malayang kandidato:
- Si Francis Pangilinan, na tumatakbo sa ilalim ng Partido Liberal
- Lahat ng kandidato ng Ang Kapatiran:
- Zosimo Paredes
- Martin Bautista
- Adrian Sison
- Si Felix Cantal ng Philippine Green Republic Party
- Lahat ng kandidato ng Kilusang Bagong Lipunan
Inihayag na rin ni Abalos na handa na rin ang talaan ng mga aprubadong grupong party-list, pero hindi pa ito inihahayag. Pero, ang Ang Ladlad, ang grupong party-list na binuo ng dineklarang kandidatong panggulo na si Danton Remoto, ay hindi binigyan ng akreditasyon bilang grupong party list dahil hindi daw nagpakita ang Ang Ladlad na ito ay may pambansang kapisanan ng nagsisiboto (national constituency), isang kailangan ng anumang grupong party-list sa ilalim ng Batas Republika Blg. 7931, ang batas sa pagpapalakad ng mga grupong party-list.