Marso 28, 2007
32 mag-aaral at dalawang guro ng Musmos Daycare Center, isang sentrong pang-alaga ng mga bata sa Tondo, Maynila, na nasa isang lakbay-aral ay binihag sa loob ng isang bus sa harap ng Munisipyo ng Maynila kaninang umaga.
Sa ngayon, isa ay pinalaya na dahil sa sakit sa pangyayaring ito na nagtagal na ng higit sa limang oras. Pinalaya ang pitong taong gulang na bata na si Simon Pacheco kay Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr., na naging negosyador sa krisis na ito. Sa ngayon, nasa Ospital ng Maynila si Pacheco.
Inutos rin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang tagapangulo ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila na si Bayani Fernando na resolbahin ang krisis.
Ang dalawang tagapagbihag, sina Armando Ducat Jr. at Cesar Carbonnel, ay humihiling sa pamahalaan na magbigay ng edukasyon sa 145 bata sa isang sentrong pang-alaga ng mga bata sa lungsod ng Maynila at mas mabuting pabahay. Armado sila na may grenada, Uzi, at isang kalbre .45 na pistola.