Marso 29, 2007
Pagkatapos ng sampung oras sa loob ng bus at isang krisis na nakakuha ng atensyon ng buong Pilipinas at daigdig, malaya na ang 33 natitirang bihag ni Armando "Jun" Ducat, Jr. at ang kanyang kasangkot na si Cesar Carbonnel na binihag nila sa loob ng isang bus na malapit sa Munisipyo ng Maynila at ng Liwasang Bonifacio.
Pinalaya ni Ducat ang kanyang mga bihag ng alas siyete ng gabi sa Pamantayang Oras ng Pilipinas. Sa pagkalaya ng kanyang mga bihag, binalik niya ang kanyang mga grenada kay Gobernador Luis "Chavit" Singson ng Ilocos Sur. Siya ay naging isa sa dalawang primaryang negosyador sa krisis na ito, ang isa pa bilang si Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr..
Ang mga 31 natitirang mag-aaral at 2 guro ng Musmos Daycare Center sa Tondo, Maynila, na pinundar ni Ducat, ay sa ngayon ay nasa magandang kundisyon, pero titingnan ang mga bata kung may problemang sikolohikal sila.
Hiniling ni Ducat at kanyang kasangkot ng libreng edukasyon para sa 145 bata ng Musmos Daycare Center at mas mabuting pabahay sa kanilang lugar sa Tondo.
Ayon sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas, naglabag si Ducat sa pagbabawal ng baril habang panahon ng halalan, seryosong detensyon na labag sa batas, at ng posesyon ng pamamaril at pampasabog na labag sa batas.
Mga sanggunian
edit- 26 kids, 4 tutors freed as hostage crisis ends, Philippine Daily Inquirer, Marso 29, 2007
- Illegal detention, gun charges filed vs Ducat, Philippine Daily Inquirer, Marso 30, 2007